PARIS, France – Limang katao ang kinasuhan dito dahil sa planong terror attack sa Paris.

Nitong weekend, pitong katao ang naaresto at ilang armas ang nakumpiska sa raid na isinagawa sa mga lungsod ng Strasbourg at Marseille.

Dalawa sa mga suspek ang pinalaya, samantala ang lima na kinabibilangan ng apat na Frenchmen at isang Moroccan ang kinasuhan.

“The breakup of this network... has protected us against a large-scale attack,” ayon kay President Francois Hollande.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang France ay nasa ilalim ng state of emergency simula Enero 2015 matapos ang terror attack ng Islamist extremists sa kanilang bansa na nagresulta sa pagkamatay ng 238 katao.

Sinabi ni Paris Prosecutor Francois Molins, kabilang sa mga nakumpiska sa raid ay mga dokumentong nagpapakita ng “clear allegiance” sa IS at “glorifying death and martyrdom”. (Agence France-Presse)