Nais malaman ni Senator Win Gatchalian kung ano ang papel ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa energy sector ng bansa sa gitna na rin ng mga akusasyon na nababalot ito ng korapsyon.
Ayon kay Gatchalian, dapat malaman kung nakabubuti ba ang papel ng ERC matapos na rin ang rebelasyon ni ERC Director Francisco “Jun” Villa, Jr., sa kanyang suicide notes na may korapsyon sa komisyon.
“Due to its broad quasi-judicial and regulatory functions, the ERC can be seen as the Supreme Court of the energy sector, making its integrity as an institution a key consideration for its continued efficacy. In this context, it is imperative to review the legal framework in order to build stronger institutional safeguards which will prevent corruption and impropriety within the system,” ani Gatchalian.
Aniya dapat na malaman kung totoong protektor at guardian ng konsyumer ang ERC.
Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ERC officials na mag-resign, pero tumanggi ang mga opisyal.
Naniniwala si Gatchalian na sagka sa katatagan ng ERC ang mga alegasyon ng korapsyon kaya’t dapat itong maimbesitigahan. (Leonel M. Abasola)