BAGO ginanap ang ABS-CBN trade launch noong Martes ay nasulat na sana namin ang bagong project ni Maja Salvador sa RSB unit na may titulong Wildflower na ididirek ni Onat Diaz.

Ito ang isa sa mga pinag-usapan namin ni Direk Ruel sa finale presscon ng Be My Lady nang punahin namin na mas pinaboran ni Maja ang serye sa RSB kaysa sa OTJ mini-series na mapapanood sa HOOQ produced ng Globe Studios at ididirek naman ni Erik Matti for Reality Entertainment.

“Baka kasi bida si Maja dito (Wildflower) kaya mas tinanggap niya ito. Opinyon ko ‘yun, ha?” sabi ni Direk Ruel.

Sinang-ayunan namin siya, dahil nga sa OTJ ay one of those lang ito sa maraming cast.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At hindi rin naman naging bida si Maja sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya nagpaalam ito at sinabing may iba na siyang gagawin -- na ito na nga siguro, ang Wildflower.

Nang makita namin si Direk Ruel sa presscon ng Langit Lupa nitong nakaraang Miyerkules sa Dolphy Theater ang kanyang sabi, ‘O, di ba, naka-scoop ka? Kagabi lang nailabas (sa trade launch) ‘yung Wildflower ni Maja. Kagabi lang officially na-launch na ‘yung next project niya.”

Nagpasalamat kami kay direk Ruel dahil sa pagbibigay niya ng infos tungkol sa bagong serye ng aktres.

Makakasama ni Maja si Joseph Marco bilang leading man pero hindi muna binanggit sa amin ni Direk Ruel kung ano ang kuwento, basta sabi lang niya, “It’s all about revenge. May nangyari kasi sa buhay ni Maja kaya siya maghihinganti.

Abangan mo, maganda,” sabi ni RSB. (Reggee Bonoan)