SAN SALVADOR (AFP) – Niyanig ng 7.0 magnitude na lindol sa Pacific Ocean ang El Salvador at Nicaragua noong Huwebes, isang oras matapos manalasa ang malakas na bagyong ‘Otto’ sa Caribbean coast ng Nicaragua.

Inilabas ang tsunami alerts bilang precaution ng mga awtoridad sa Nicaragua at El Salvador, kung saan pinayuhan ang mga residente na lumikas palayo sa Pacific coast.

Nakasentro ang lindol sa tinatayang 120 kilometro mula sa baybayin ng El Salvador, at may lalim na 10.3 km, ayon sa US Geological Survey.

Naramdaman din ang pagyanig sa kabisera ng Nicaragua sa Managua at hanggang sa San Jose, Costa Rica.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Walang iniulat na nasawi, ngunit pinalikas ng El Salvador ang mamamayan nito sa layong isang kilometro mula sa mga baybayin. Nagdeklara naman si Nicaraguan President Daniel Ortega ng state of emergency dahil sa bagyo at lindol.