Hindi na kailangan pa ng permit at may unlimited time ang mga raliyista para magprotesta ngayon laban sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Ito ang tiniyak ni Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, kung saan nirerespeto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng mga raliyista.

“The instruction of the President is very clear, that he respects the right of citizens to protest against the Marcos burial. The protesters don’t need to secure rally permits in fear of being evicted,” ani Banaag.

Isang malaking protesta ang planong idaos ngayon sa Rizal Park na susundan ng isa pang protesta sa People Power Monument.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pagpapatalsik kay Duterte?

Umaasa ang Malacañang na ang protesta ay hindi hahantong sa pagpapatalsik sa Pangulo.

“We hope not. We pray not,” ani Banaag. “May mga opinyon na may gusto mag-oust sa Presidente pero sana hindi ito majority,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Banaag na “politically-motivated” ang opinyon hinggil sa pagpapatalsik. “Hindi dahil hindi siya magaling na Presidente. Hindi dahil tamad siyang Presidente, kung hindi ayaw lang talaga sa palakad niya,” dagdag pa ni Banaag.

Itim

Isang grupo ng mga guro ang nananawagan naman sa kanilang hanay at mga estudyante na makiisa sa ‘Black Friday Protest’ sa Luneta ngayon.

“This direct act of contempt against the historic judgement of the Filipino against the Marcos dictatorship must be stopped at all costs,” ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) President Benjamin Valbuena.

“We have not forgotten and will continue to resist attempts to rehabilitate the Marcoses,” dagdag pa niya.

Dumepensa

Nitong Miyerkules ng gabi, dumepensa si Duterte at sinabing ang lahat ng kanyang desisyon ay naaayon sa pangkalahatang kapakanan.

Kasabay nito ay ang paninindigan ng Pangulo na sinusunod lang niya ang batas sa kanyang pagpayag na mahimlay sa LNMB si Marcos.

Sabi ng Pangulo, “I will gladly and happy even to step down and relinquish my post if you can answer in the negative these two key questions: Was the late Ferdinand Marcos a president and was he a soldier?”

(Merlina Hernando-Malipot at Elena L. Aben)