Hindi na makakapiling pa ng isang pamilya ang kanilang padre de pamilya matapos itong paulanan ng bala ng dalawang armado sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mat Advincula, barker, nasa hustong gulang, ng Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Base sa inisyal na ulat na nakarating kay QCPD Director Police Chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar, dakong 12: 30 ng madaling araw, nagtatawag ng mga pasahero ang biktima sa kanto ng Commonwealth Avenue at Tandang Sora Avenue nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga suspek at walang sabi–sabing pinagbabaril ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Ayon sa kapatid ng biktima, wala siyang kilalang kaaway ni Mat maliban sa paggamit nito ng ilegal na droga ngunit nagbabagong buhay na umano ito. (Jun Fabon)