Inihain ni House Speaker Pantaleon D. Alvarez, kasama sina Majority Leader Rodolfo C. Fariñas at House Transportation Committee chairman Rep. Cesar V. Sarmiento (Lone District, Catanduanes), ang bagong Traffic Crisis Bill na naglalaman ng mga output mula sa ginanap na mga pagdinig ng komite hinggil sa iba’t ibang mungkahi upang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa explanatory note ng House Bill 4334 o “Traffic Crisis Act of 2016 Makiisa, Makisama, Magkaisa”, binigyang-diin nina Alvarez, Farinas at Sarmiento na mahalagang matalakay at mapagtibay agad ang panukala upang matugunan ang krisis sa trapiko na patuloy sa paglala sa Metropolitan Manila Area, Metropolitan Cebu, at Metropolitan Davao, at iba pang syudad sa bansa. (Bert de Guzman)

‘Loveetttee!' Vice Ganda, pinuri panunupalpal ni Anne Curtis sa basher