Nakabalik ang Adamson University sa semifinals matapos gapiin ang University of Santo Tomas, 73-58, kahapon sa knockout match para sa No.4 spot ng UAAP 79 Women’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Tinotoo nina Jamie Alcoy at Khaye Pingol ang naunang pangakong babawian ang UST Tigresses matapos pangunahan ang Lady Falcons .

Dinomina ng Lady Falcons ang tempong laro mula sa simula at hindi na nagawang makabawi ng karibal.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Nandun talaga yung hunger to win. We want to prove na we deserve to be in the Final Four,” pahayag ni Adamson coach Mike Fermin .

Pinalawig nina Alcoy at Jovelyn Prado ang bentahe sa pinakamalaking 24 puntos, 54-30 sa third period.

Dahil sa panalo, kinumpleto ng Adamson ang mga koponang pasok sa stepladder playoffs.

Una nilang makakasagupa sa pagsisimula ng stepladfer semis ang third-seed University of the East kung saan ang mananalo ay haharap sa second seed at may twice-to-beat advantage na De La Salle University.

Maghihintay naman ang magwawagi sa kabuuan ng stepladder and outright finalist at reigning titlist National University Lady Bulldogs.

Nagtapos si Pingol na may 17 puntos para pamunuan ang nasabing panalo ng Lady Falcons habang nagtapos namang topscorer si Shanda Anies para sa UST sa ipinoste niyang 14 puntos. (Marivic Awitan)