PHNOM PENH (AFP) – Ang hatol na habambuhay na pagkakakulong sa dalawang dating lider ng Khmer Rouge ay dapat na magsilbing babala sa iba pang rights abusers, kabilang na sa North Korea, Pilipinas at sa grupong Islamic State, sinabi ng isang United Nations envoy noong Miyerkules.

Ibinasura ng UN-backed court sa Cambodia ang apela laban sa habambuhay na pagkakakulong na ipinataw kina Nuon Chea, 90, Khieu Samphan, 85. Ang dalawa ay matataas na lider ng rehimen na responsable sa pagkamatay ng dalawang milyong Cambodian mula 1975-1979.

“Holding senior leaders accountable for the perpetration of atrocity crimes under their leadership, does happen, it does ultimately occur,” sabi ni David Scheffer, ang UN Secretary-General’s envoy sa tribunal.

Binanggit niya ang ilang bansa na aniya ay dapat na tandaan ng mga lider “ what happened today”. Ang mga ito ay Pilipinas, South Sudan, Sudan, the Central African Republic, Syria at North Korea. Tinukoy din niya ang grupong Islamic State na naghahasik ng karahasan sa Iraq at Syria.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina