Laro Ngayon

(EAC Sports Center)

1:30 n.h. -- FEU-NRMF vs EAC

Nalusutan ng defending champion Macway Travel Club ang Emilio Aguinaldo College, 92-81, upang tumabla sa isa sa dalawang outright semis berths sa 2016 MBL Open basketball tournament sa EAC Sports Center sa Manila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umasa ang Macway sa dalawang explosibong scoring run sa third at fourth quarter upang tuluyang igupo ang EAC at masungkit ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa seven-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Sina American Mike Harry, Dan Natividad at ex-PBA stars Bonbon Custodio at Larry Rodriguez ang nanguna para sa Macway, na pinamamahalaan nina consultant Braulio Lim, coach Daniel Martinez at owner Erick at Cathy Kirong

Kumana si Harry ng 22 puntos, karamihan mula sa shaded area, sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ni EAC big man Rustan Bugarin, habang nag-ambag sina Natividad ng 14 puntos, Custodio na may 13 at si Rodriguez na umiskor ng 10.

Nanguna sa Generals sina Bugarin at Jerome Garcia ng tumipa ng tig-18 puntos.

Sa ikalawang laro, nagwagi ang Philippine Air Force via forfeiture laban sa Jamfy Pioneers-Secret Spices.

Iskor:

Macway (92) -- Harry 22, Natividad 14, Custodio 13, Rodriguez 10, Santiago 8, Sanders 7, Espinosa 6, Marquez 3, Sta. Cruz 3, Mangaran 3, Laude 3, Reyes 0.

EAC (81) - Garcia 18, Bugarin 18, Gano 11, Bautista 7, Martin 5, Aguas 5, Altiche 4, Estacio 4, Diego 4, Mendoza 3, Gonzales 2, Umali 0, Natividad 0.

Quarterscores

28-16, 44-39, 71-53, 92-81.