Naghihimas na ngayon ng rehas ang dalawang lalaki habang pinaghahanap ang dalawa pa nilang kasamahan matapos umanong pilahan at gahasain ang isang 14-anyos na babae sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Station 1 ang dalawang suspek na sina Jaycee Sarcauga, alyas “Dudong”, 20, pedicab driver; at isang alyas “Maymak”, 18, kapwa residente ng F. Varona Street, Tondo.

Samantala, pinaghahanap pa ang dalawa pang suspek na hindi muna pinangalanan upang hindi masira ang operasyon ng mga pulis.

Batay sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng MPD-Station 1, dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes nang maaresto ang mga suspek sa F. Varona St., at sinampahan ng kasong rape na may kinalaman sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon sa biktima, dakong 4:00 ng madaling araw nang dalhin siya ng mga suspek sa loob ng Minitel Hotel na matatagpuan sa Road 10, Tondo at saka halinhinang ginahasa.

Nang makatakas ang biktima ay kaagad itong nagsumbong sa kanyang pamilya at sinamahan siya ng kanyang ama sa pulisya upang magreklamo. (Mary Ann Santiago)