Isang bilyong piso ang kailangan ng Department of Health (DoH) upang magkaroon ng palikuran o comfort room (CR) sa buong bansa na magagamit ng mahigit 100 milyong Pinoy.
Sa pagdinig ng budget ng DoH, nabatid na aabot sa 8 milyong Pinoy ang walang palikuran.
Ayon kay Senator Loren Legarda, kailangan ang koordinasyon sa pagitan ng DoH at Local Government Units (LGUs) para matukoy kung ilan pa ang kailangan.
Ang kawalan ng CR ay pinag-uugatan din ng mga sakit tulad ng diarrhea, dahil sa maruming tubig na kontaminado na ng mga dumi ng tao.
Sa ngayon, ang DoH ang nagbibigay ng mga toilet bowls, habang LGU naman ang gumagawa ng paraan para sa mga kuwarto ng CR.
“The DoH should meet with LGUs to determine priority areas for the provision of improved sanitary facilities using the Sarangani Province model, which has zero open defecation,” ayon kay Legarda.
Iginiit pa ni Legarda na ang kawalan ng CR na nagsilbing pribadong lugar ng kababaihan at kabataan ay ugat din para sila ay maabuso. (Leonel M. Abasola)