VATICAN CITY (AP) — Sinabi ni Pope Francis na isa sa kanyang sekreto para labanan ang stress sa trabaho ay ang matulog ng anim na oras “like a log” bawat gabi.
Tinanong ng Italian Catholic TV channel TV2000 si Pope Francis, sa isang panayam na inilabas nitong Linggo, kung bakit mukhang “never stressed” siya kahit na pagod at sa kabila na tutuntong na siya sa 80 anyos sa Disyembre 17.
Biniro ni Pope Francis ang interviewers kung umaasa ba sila na ang sagot niya ay “a special tea.” Sa halip, sinabi ng papa na, nakatulong nang malaki ang panalangin.
Idinagdag niya: “Then I sleep well, thanks to the Lord. I sleep like a log,” anim na oras sa isang araw. Naniniwala siya na nakatulong ang tulog sa pagpapalakas ng kanyang kalusugan.
Sinabi ng papa na may problema siya spinal column ngunit nalunasan na ito. Pinakikiramdaman din niya ang kanyang sarili. “I do what I can and nothing more,” aniya.