Nasamsam ng mga tauhan ng Southern Police District-District Anti-Illegal Drugs (SPD-DAID) ang 22 kilo ng high-grade shabu, na nagkakahalaga ng P110 milyon, sa dalawang hinihinalang miyembro ng malaking sindikato ng droga sa buy-bust operation sa Makati City kahapon.

Kinilala ni SPD Director, Senior Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang mga naarestong suspek na si Maria Rosario Echaluche, at pamangkin nitong si Angelo Velasquez, 19 anyos.

Samantala, inihayag ni Apolinario na patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad laban sa pinaghihinalang mastermind, isang Chinese na hindi binanggit ang pangalan at nakabase sa Hong Kong, at sa iba pang kasabwat ng mga suspek.

Napaulat na nakabase sa ibang bansa ang sindikato ng mga suspek, na ang ilang kasapi na nasa Pilipinas ay nagsisilbing courier, trafficker at tagapag-imbak.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Nabatid na may contact din ang mga suspek sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Isang pulis ang poseur buyer sa buy-bust operation ng DAID laban sa dalawang suspek sa ABC Building sa EDSA-Guadalupe, Makati City, hanggang sa mahulihan ang mga awtoridad ng kilu-kilo ng high-grade shabu. (Bella Gamotea)