YANGON (AFP) – Mahigit 1,000 kabahayan sa mga pamayanan ng Rohingya ang sinunog sa hilagang silangan ng Myanmar, ayon sa analysis ng satellite images mula sa Human Rights Watch na inilabas noong Lunes.
Sinabi ng HRW na natukoy nito ang 820 pang istruktura na nasira sa limang pamayanan sa Rohingya mula Nobyembre 10 hanggang 8 gamit ang satellite imagery. Sa kabuuan, 1,250 gusali ang winasak sa nangyaring military lockdown.
Dumagsa ang mga sundalo sa pamayanan ng mga stateless Muslim Rohingya minority sa hangganan sa Bangladesh, kasunod ng madudugong pag-atake sa police border posts noong nakaraang buwan.