Pinag-aaralan na ng Department of Tourism (DoT) ang posibilidad ng pagbibigay ng ‘visa-free travel’ sa Pilipinas sa mga turistang Chinese. Layunin nitong palakasin pa ang tourist arrivals sa bansa.
Ayon kay Tourism Route Development Head Erwin Balane, ang travel requirements tulad ng visa ay nagiging hadlang sa pagpili ng vacation destination para sa leisure travellers.
Naniniwala si Balane na kung gagawing visa-free ng bansa ang biyahe para sa mga turistang Chinese ay mas mahihikayat silang magbakasyon sa Pilipinas. (Mary Ann Santiago)