IBAAN, Batangas - Hindi pinaligtas ng mga kawatan maging ang simbahan matapos nilang limasin ang pinagbentahan ng mga religious article sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa report ni SPO2 Geronimo Sanchez, Sabado ng umaga nang matuklasang nanakawan ang tindahan ng mga imahen ng St. James the Greater Parish Church sa Barangay Poblacion.

Sa CCTV footage, nakitang dakong 10:15 ng gabi nitong Biyernes nang pumasok sa bakal na gate ang hindi pa nakikilalang suspek, na tumangay sa P30,000 cash at isang monitor ng computer. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?