PUKHRAYAN, India (AP) – Tinapos na ng rescuers ang paghahanap ng mga biktima sa 14 nagkaluray-luray na bagon ng tren na nadiskaril sa hilaga ng India. Umabot sa 127 katao ang namatay at halos 150 ang nasugatan sa insidente, sinabi ng pulisya noong Lunes.

Nasa kalagitnaan na ng kanyang 27-oras na biyahe ang tren sa pagitan ng mga lungsod ng Indore at Patna nang malihis ito sa riles dakong 3:10 ng umaga, na ikinagulantang ng mga natutulog na pasahero.

Magdamag na nagtrabaho ang rescue workers, sundalo at mga miyembro ng disaster management force ng India upang mahila ang mga taong naipit sa mga nayuping metal at tumaob na bagon malapit sa Pukhrayan, malapit sa lungsod ng Kanpur at halos 400 kilometro ang layo sa timog silangan ng New Delhi.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa