Hahanapin ng Pasig City ang magiging pambato na student-athletes sa 2017 Palarong Pambansa sa gaganaping Pasig City Division Athletic Meet sa iba’t ibang playing venues sa nasabing lungsod.
Sa Nobyembre 24 ang opening ceremonies kung saan si 2016 Bicol Palarong Pambansa tennis girls singles/team gold medalist Kryshana E. Brazal ang mangunguna sa athletes oath of sportsmanship sa programa na dadaluhan ni Mayor Robert Eusebio.
Naidaos ang kompetisyon sa athletics nitong Nob. 9-10, sa swimming nitong Nob. 17-18 sa PhilSports Complex (dating Ultra), habang sa Nob. 21-22 ang baseball/softball sa Sto. Niño Elementary School, habang ang badminton ay sa Nob. 22-23 sa Rizal High School.