DAMASCUS (AFP) – Nangingilabot ang matataas na opisyal ng United Nations sa tumitinding karahasan sa Syria, at humiling na agarang makapasok sa Aleppo, kung saan nilalabanan ng mga puwersa ng pamahalaan ang mga rebelde.

‘’The United Nations is extremely saddened and appalled by the recent escalation in fighting in several parts of Syria,’’ sinabi nina UN’s humanitarian coordinator for Syria Ali al-Za’atari at regional humanitarian coordinator Kevin Kennedy.

Sa kanilang pahayag, nanawagan sila sa mga partido na itigil ang “indiscriminate attacks” sa mga sibilyan at imprastraktura.

Inilabas ang pahayag matapos bombahin ng gobyerno ang kuta ng mga rebelde sa silangan ng Aleppo, kung saan mahigit 250,000 katao ang naiipit sa kaguluhan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Mahigit 300,000 katao na ang namatay sa gulo sa Syria na nagsimula noong Marso 2011, sa mga protesta laban sa gobyerno.