Isinailalim sa post blast investigation course ang mahigit 50 tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA) at iba pang law enforcement agencies mula sa Bicol at Calabarzon, sa Police Regional Office (PRO)-5 headquarters.
Sinabi ni Senior Insp. Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, na layunin nitong gawing mabilis at tama ang pagresponde ng mga pulis at sundalo sa mga bomb threat at pambobomba.
Gagawin ng Nobyembre 14-25, kaisa sa aktibidad ang SWAT, Explosives Ordinance Division (EOD), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Directorate for Intelligence, Regional Special Training Unit-5, National Bureau of Investigation (NBI)-5, at EOD Battalion ng 9th Infantry Division ng Army. (Fer Taboy)