STA. ROSA, Nueva Ecija - Isang abandonadong sasakyan, na napaulat na kinarnap ng mga hindi nakilalang suspek, ang natagpuan ng mga operatiba ng Sta. Rosa Police sa parking area ng isang gasolinahan sa Barangay Isla sa bayang ito, nitong Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Ace Ponce y Fausto, 32, may asawa, negosyante, ng Bgy. Sibul, Talavera, inihatid lang ng Mitsubishi Adventure (AAN-9930) ang bayaw niyang si SPO4 Allan Santianez, ng San Jose Del Monte City, Bulacan sa Camp Crame sa Quezon City dakong 3:30 ng hapon nitong Miyerkules.

Sa imbestigasyon ni PO1 Aries Dimacale, sa pagitan ng 5:00-6:00 ng hapon ay hindi na dinaanan pabalik si Santianez at hindi na rin ma-contact ang family driver. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match