Mas malaking problema ang haharapin ng bansa kapag binabaan ang “minimum age of criminal responsibility” (MACR) mula sa dating 15 taong gulang hanggang 9 anyos.

Dahil dito, mahigpit na kinontra nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Jose Luis Martin Gascon, ang House Bills 935 at 3973.

“Lowering the MACR has never resulted in lower crime rates. The Philippine experience, and the experience of other countries attest to this fact,” ayon sa liham ni Taguiwalo kay House Committee on Justice chairman Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Ang panukala ay hindi umano ayon sa ‘scientific knowledge’ hinggil sa “cognitive, psychosocial at neurological development” ng mga bata.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“A lower age of criminal responsibility results in more children being detained, substantially higher cost of public expenditure, and an even higher social cost of re-offending and graver offending, which simply demonstrated that such measure is not cost-effective,” katwiran ni Taguiwalo.

Kapag pinabata pa ang edad ng mga papanagutin sa krimen, lalabagin nito ang prinsipyo na nagbibigay ng proteksyon sa mga bata, gayundin ang mga batas at international treaties.

Sa panig naman ni Gascon, itinulak nito ang lubusang implementasyon ng Republic Act No. 9344 o Juvenile Delinquency Act of 2006.

Hiniling ni Gascon sa gobyerno ang pagpapatayo ng Bahay Pag-asa facilities na paglalagyan ng mga didisiplinahing bata.

Nanawagan din si Gascon sa mga awtoridad na tugisin ang mga sindikatong gumagamit ng mga bata sa kanilang ilegal na aktibidad. (Charissa M. Luci)