NEW YORK (AP) – Mabilis na naging isa sa hottest backdrops para sa selfie ang Trump Tower sa New York.

Simula nang manalo si Donald Trump sa presidential election, dumami na ang mga taong nakatingala sa sidewalk, at may hawak na selfie sticks.

Ang iba ay dumayo para magkaroon ng kaunting history, ang ilan ay nagbigay ng one-fingered salute sa bagong pangulo. Ang ilan ay nag-pose pa kasama ang mga opisyal na nagbabantay sa tower.

Sinabi ni Connie Hunt, real estate agent mula sa Kentucky, na naging tagahanga na siya ni Trump simula nang ipalabas ang “The Apprentice.” Pumunta siya para makita ang bahagi ng empire na itinayo ni Trump sa halip na panoorin lamang ito sa telebisyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi naman ng 24-anyos na si Leigh Stolarz ng Florida na galit siya sa pagkapanalo ni Trump. Ngunit pumunta pa rin sa tower upang kumuha ng protest selfie at upang makita ang reaksyon ng mga tao.