BANGKOK (AP) – Sinabi ng royal palace ng Thailand na naospital si Queen Sirikit dahil sa lagnat at lung infection, isang buwan matapos pumanaw ang asawa nitong si King Bhumibol Adulyadej.

Nakasaad sa pahayag noong Biyernes na ang 84-anyos na si Sirikit ay mataas ang lagnat noong Miyerkules at ipinasok sa Chulalongkorn Hospital. Bumaba na ang kanyang lagnat nitong Huwebes, at nakakahinga at nakakakain na nang maayos.

Ilang taon nang mahina ang kalusugan ng reyna at minsan na rin siyang na-stroke.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa