smokey-copy-copy

KILALANG komedyante si Smokey Manaloto dahil ito naman lagi ang ibinigay na papel sa kanya sa mga pelikula at programang nilalabasan niya.

Ang hindi alam ng lahat ay napakaseryosong tao ni Smokey at alam namin ito dahil madalas namin siyang nakakasama o nakikita sa bahay ni Sylvia Sanchez dahil iisa ang manager nila, si Tita Angge o Cornelia Lee na hanggang ngayon ay comatose pa rin. Bihira ngang tumawa o ngumiti ang aktor kapag off-camera, akala mo tuloy masungit, pero kapag on-camera naman ay tawa nang tawa.

Nakita na namin sa seryosong role si Smokey, pero hindi pa rin naiwasang hindi magpatawa nang mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano sa role na kasabwat sa jueteng o pasugalan at napatay din sa huli.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa launching ng OTJ mini-series, binanggit ni Direk Erik Matti na matagal na niyang gustong makatrabaho si Smokey.

“Nasa checklist ko itong si Smokey, an actor whom I want to work with and the most expensive actor here on stage.

“Smokey has always been doing comedy, he’s really good at that but I really know and what I really know about, he is a very sensitive actor and he’s looking for something meatier not just comedy and we assigned him the role of SPO3 Obet,” sabi ni Direk Erik.

Tawa nga lang nang tawa si Smokey nang hingan ng komento sa magandang sinabi tungkol sa kanya ng direktor, basta ang giit lang niya parati at tila iniinggit pa ang kasamang si Dominic Ochoa sa OTJ, “Ako ang may malaking talent fee rito.” Kaya kinulit-kulit naman siya ni Dom kung magkano.

Ni-research namin kung sino ang gumanap sa papel na SPO3 Obet sa OTJ movie pero wala kaming nakita, maliban sa natatandaan naming gumanap na pulis na si Joey Marquez bilang si Sergeant Joaquin Acosta na walang ginawa kundi habulin nang habulin ang mga adik, na may komedya pa rin ang dating.

Samantala, natanong na namin dati si Smokey kung kailan siya mag-aasawa dahil parang panahon na rin para magkaroon siya ng pamilya lalo na’t nag-migrate na sa Canada ang mga pamangkin, kapatid at magulang niya.

“Darating din ‘yun, huwag kang mainip,” sabi niya sa amin.

Sabi ng mga taong malapit sa aktor, may mga naging girlfriend si Smokey pero lihim lang at akala nga ay mag-aasawa na dahil seryoso na sa huli, pero biglang nawala ulit sa hindi malamang dahilan.

Hmmm, baka tumandang binata na ang aktor, sana hindi.

Samantala, magkakasama sina Smokey, Sylvia at lahat ng alaga ni Tita Angge sa bagong tayong talent agency na Powerhouse Art, Inc. na pinamamahalaan nina Annaliza Goma (dating ABS-CBN executive), Bobby Casuela, Jim Santos at iba pa na may opisina sa may Centro Plaza Building, Scout Madrinan Street, Quezon City. (REGGEE BONOAN)