LAS VEGAS (AP) — pinatawan ng 18-month suspensiyon si dating UFC light heavyweight champion Lyoto Machida.
Ipinahayag ng US Anti-Doping Agency na ang suspensiyon ay batay sa resulta ng doping test sa 38-anyos na si Machida.
Sinabi ng UFC na inamin ni Machida ang paggamit ng iba’t ibang uri ng droga dahilan para alisin siya sa fight card kontra Dan Henderson.
Papayagan si Machida na magbalik aksiyon sa Oktubre 2017, ayon sa USADA.