Nobyembre 17, 1869 nang buksan sa publiko ang makasaysayang Suez Canal, ang artificial waterway na nag-uugnay sa Mediterranean Sea at Red Sea, makalipas ang 10-taong konstruksiyon.
Ito ay may habang 164 kilometro (102 milya), ngunit ngayon, ang Suez Canal ay may habang 130 kilometro (120 milya), mula sa Port Said at nagtatapos sa Port Tewfik sa Suez, isang seaport city, na matatagpuan sa northeastern Egypt. Ito ay may lalim na 25 talampakan, 72 talampakan ang lapad sa ilalim, at 200 hanggang 300 talampakan ang lapad sa ibabaw.
Mas mabilis ang biyahe sa nasabing canal sa pagitan ng North Atlantic at Northern Indian Ocean dahil hindi na ito dumadaan sa South Atlantic at Southern Indian Oceans, at aabot sa 7,000 kilometro (4,300 milya) ang nababawas. Sa kasalukuyan, aabot sa 50 barko ang dumaraan sa Suez Canal araw-araw, ibinibiyahe ang mahigit 300 milyong tonelada ng produkto kada taon.