Iginiit ni Senator Rissa Hontiveros na dapat silipin ang loan agreements na popondohan mula sa P1.9 trilyong panukalang budget para sa 2017.

Ayon kay Hontiveros, kailangang maisingit ang ganitong probisyon para matiyak na marerebisa ang may 20 loan agreements na pinasok ng pamahalaan at nakapaloob sa panukalang budget.

“It is only apt that the Duterte government’s first proposed appropriation law dubbed as ‘a budget for real change,’ has specific policy language to safeguard the nation’s coffers from illegitimate loan agreements,” ani Hontiveros.

Inihalimbawa ng Senadora ang utang ng bansa dahil sa pagpapatayo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at Austrian Medical Waste Incinerator Project, na kahit hindi napakinabangan ay binabayaran ng gobyerno.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sa pag-aaral ng Freedom from Debt Coalition (FDC), natukoy ang may 20 kuwestiyunableng loan agreement na nagkakahalaga ng P900 milyon at nakapaloob sa panukalang 2017 budget. (Leonel M. Abasola)