LONDON (AP) — May tsansa si Novak Djokovic na mabawi ang world No.1 ranking.

Ginapi ng second-ranked Serbian si Milos Raonic 7-6 (6), 7-6 (5) nitong Martes (Miyerkules sa Manila) para makausad sa semifinal ng ATP finals at palawigin ang dominasyon sa Canadian, 8-0.

Kung magwawagi sa torneo, tiyak na mababawi ni Djokovic ang top ranking kay Andy Murray.

Nakatakdang sumabak ang British star kontra Kei Nishikori.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“It really could have gone either way,” sambit ni Djokovic, nakumpleto ang career Grand Slam nang magwagi sa French Open ngayong taon.

“I was down very early in both tiebreaks tonight. But I just managed to stay committed and put pressure on his second serves.”