Nobyembre 15, 1935 nang pasinayaan ang Commonwealth of the Philippines.

Aabot sa 300,000 katao ang dumalo sa nasabing kaganapan upang personal na masaksihan ang panunumpa nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmena, Sr., bilang presidente at , bise presidente, ng bagong pamahalaan. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na isang Pilipino ang mamamahala sa Malacañang.

Sa ilalim ng Philippine Independence Act, mas kilala bilang Tydings-McDuffie Act, ang Commonwealth ay inilarawan na isang 10-year transitional government bilang paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas.

Sa tradisyon, ang “commonwealth” ay isang termino na ginagamit sa political community.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC