Handa si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na magpakulong kapag napatunayan ng Ombudsman na nakagawa siya ng mali nang tanggapin niya ang libreng biyahe sa Las Vegas na inalok ni Sen. Manny Paquiao para panoorin ang laban ng huli.
Giit ni Dela Rosa, wala siyang nakikitang mali sa pagtanggap sa paanyaya ng kanyang malapit na kaibigang si Paquiao, na sumagot sa lahat ng gastos.
Nang tanungin kung sa tingin niya ay politically motivated ang hakbang ng Ombudsman, sinabi ni Dela Rosa na mataas ang pagtingin niya sa ahensya na alam niyang ginagawa lamang ang kanilang tungkulin.
Hiling niya, sana lang ay maging pantay ang interpretasyon ng batas sa pag-iimbestiga sa kanya. (Fer Taboy)