Hindi pa pinal ang suspensyon ng ‘writ of habeas corpus’ na ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa opisyal ng Palasyo.

“The suspension of writ of habeas corpus has not yet been announced. It is just an idea,” ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa panayam ng radyo.

Ang babala ay inihayag ng Pangulo, kung saan gagawin umano niya ito para labanan ang ilegal na droga at rebelyon sa Mindanao.

Kapag nasuspinde, pwede nang mag-aresto at magdetine ang mga awtoridad ng mga suspek, kahit walang arrest warrant.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“His mention of the suspension of the writ of habeas corpus, I believe, that this is pertaining to our problem, to our problem in the illegal drugs here in the country,” dagdag pa ni Andanar.

Sinabi ni Andanar na batid ng Pangulo na hindi madali ang anti-drug campaign. (Genalyn D. Kabiling)