Nobyembre 13, 1955 nang isilang ang Hollywood personality na si Whoopi Goldberg sa Manhattan, New York City.

Unang ipinalabas ang pelikula ni Goldberg, isang aktres, komedyana at talk-show host, noong 1985 sa pamamagitan ng period drama na “The Color Purple” at gumanap siya bilang Celie, isang maitim na babae na inaalipusta sa Deep South, at dahil dito ay naging nominado siya bilang Best Actress sa Academy Award.

Sa 63rd Academy Awards noong 1991, nanalo si Goldberg bilang Best Supporting Actress—sa unang pagkakataon — sa kanyang pagganap bilang psychic Oda Mae Brown sa 1990 blockbuster na “Ghost,” at nakasama niya sina Patrick Swayze at Demi Moore. Siya rin ang unang babaeng host ng Oscars.

Bumida rin siya sa iba pang pelikula gaya ng “The Player” (1992); “Made in America” (1993); “Corrina, Corrina” (1994); “Boys on the Side” (1995); at “Ghosts of Mississippi” (1996).

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?