Kalaboso ang isang kolehiyala matapos umanong mamili ng mga mamahaling damit ngunit hindi naman nito binayaran sa isang mall sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong theft si Patricia Camille Ong, 19, estudyante, ng Sacred Heart Dormitory, na matatagpuan sa Dapitan Street, kanto ng A.H. Lacson Street sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni Police Chief Insp. Michael Garcia, deputy station commander ng MPD-Station 3, dakong 8:30 ng gabi nang mamili ng mga damit ang suspek sa ground floor ng department store ng mall.

Kaagad inaresto ni Juanito Tabaque Jr., guwardiya ng mall, ang suspek sa labas ng department store nang mapansing hindi ito nagbayad sa cashier

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aabot umano sa P6,597.75 halaga ng damit ang inumit ng suspek. (Mary Ann Santiago)