sharon_please-crop-copy

SINO ang magiging leading man ni Sharon Cuneta?

Ito ang malaking katanungan ngayong niluluto na ang unang project sa pagbabalik ni Shawie sa Star Cinema.

Napapanood sa YouTube channel ng megastar ang pagdating niya sa office ng Star Cinema at naroon sina Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Malou Santos, at Direk Olive Lamasan.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Dumating din si Cathy Garcia-Molina na magiging director ni Sharon sa kanyang bagong movie. First time pa lamang nilang magkakatrabaho ngayon.

So, sino nga ba ang magiging leading man ni Sharon na nagulat nang malamang hindi nag-top ang pangalan ni Gabby Concepcion sa poll na isinagawa ng Star Cinema para makatambal ng megastar.

Sa video, may itinuro si Ms. Malou Santos na picture ng guy, pero blurred, kaya ang nakangiting pangako ni Sharon sa footage, “Kapag tapos na ang meeting namin, at p’wede nang sabihin kung sino, sasabihin ko sa inyo.”

Umaapela na agad ang fans nina Sharon at Gabby na mas tamang sila ang muling magkatambal sa comeback film ng megastar. (NORA CALDERON)