NEW DELHI (AP) — Inanunsyo ng prime minister ng India ang pagbasura sa matataas na denomination ng 500 at 1,000 rupee currency notes. Inilarawan niya ito na isang malaking hakbang para labanan ang undeclared earnings, corruption at fake currency.
Sa isang talumpati na inere sa radyo at telebisyon, tiniyak ni Narendra Modi sa mga mamamayan na maaari nilang ideposito ang mga perang ito sa bangko hanggang sa Disyembre 30. Pansamantala pa rin itong magagamit sa pagbili ng gamot, at tiket sa eroplano. Kaagad ding maglalabas ng bagong 500 at 2,000 Indian rupees notes.
Inakusahan ni Modi ang katabing bansa ng Pakistan na nagpapakalat ng mga pekeng pera upang sirain ang ekonomiya ng India.