Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

10:30 n.u. -- Cignal vs Supra

12:30 n.h. -- Air Force vs IEM

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- UST vs Pocari

6 n.g. -- BaliPure vs Customs

Haharapin ng BaliPure sina Alyssa Valdez at Thai import Kanjana Kuthaisong ng Customs team target ang panalo para masungkit ang kauna-unahang final appearance sa Shakey’s V League Season 13 Reinforced Conference ngayon sa Philsports Arena.

Nakatakda ang Game 2 ng kanilang best-of-three semifinal duel ganap na 6:00 ng gabi.

Tatangkain ng Purfest Water Defenders sa pamumuno nina import Kate Morell at Kaylee Manns na masundan ang 25-19, 25-18, 25-21 panalo sa series opener.

“We’re working on timing (against Valdez). We have to minimize her points,” pahayag ni Manns.

Sa unang laban ganap na 4:00 ng hapon, tatangkain din ng Pocari Sweat na muling makabalik ng finals sa pamamagitan ng pagwawalis ng sarili nilang best of 3 series ng University of Santo Tomas kasunod ng 25-16, 25-18, 25-22 paggapi sa Tigresses noong Game 1.

Mauuna rito, hangad din ng Cignal na masundan ang naiposteng , 26-28, 25-18, 17-25, 25-22, 16-14, paggapi sa Champion Supra upang ganap ding matapos ang sarili nilang best of 3 series sa Spikers Turf Reinforced Conference semifinals ganap na 10:30 ng umaga

Sa ikalawang laban, sweep din ang target ng Philippine Air Force upang pormal na umusad sa finals matapos ang 25-22, 23-25, 25-23, 25-17 panalo kontra Instituto Estetico Manila noong Game 1 ganap na 12:30 ng hapon. (Marivic Awitan)