Mga laro ngayon (San Juan Arena)

12 n.t. -- FEU vs Adamson

4 n.h. -- UP vs UST

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tatangkain ng defending champion Far Eastern University na patatagin ang kapit sa ikalawang puwesto para sa target na twice-to-beat advantage sa semifinal sa pakikipagtuos sa Adamson ganap na 12:00 ng tanghali sa San Juan Arena.

Hawak ang barahang 8-2, kinakailangan ng Tamaraws ng dalawang panalo upang makasiguro ng playoff para sa huling twice-to-beat bonus at kung mawawalis nila ng nalalabing apat na laro sa eliminations, tiyak nang mapapasakamay nila ang nasabing insentibo na taglay sa ngayon ng No.1 La Salle Green Archers.

Tangan ang 5-5 karta para sa ikaapat n puwesto, target ng Falcons na madakit ang tsansa para sa No.4 spot sa Final Four.

Samantala, tatangkain ng University of the Philippines na may hawak na barahng 4-8, na bawian ang University of Santo Tomas sa ipinalasap sa kanilang 77-83 pagkatalo noong unang round para buhayin ang tsansang makapuwersa ng playoff.

Wala na sa kontensiyon ang UST taglay na barahang 3-9.