MANAGUA (AFP) – Napipinto ang panalo ni President Daniel Ortega Nicaragua at ng kanyang asawa sa eleksyon ng Nicaragua.

Lumabas sa survey bago ang botohan na 60 porsiyento ng mga botante ay suportado sina Ortega at first lady Rosario Murillo, na tumatakbong kanyang vice president.

Nagbukas ang botohan sa pinakamaralita ngunit pinakaligtas ring bansa sa buong America, dakong 7:00am (1300 GMT) ng Linggo at magsasara 6:00pm (0000 GMT Monday) ng Lunes. Inaasahan ang resulta makalipas ang ilang oras.

Si Ortega ay dating Marxist rebel na unang naging pangulo noong 1985. Makalipas ang 17 taon muli siyang nahalal noong 2006 at hindi na natinag sa puwesto simula noon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'