LAS VEGAS (AP) — Wala sa hinagap ni Nonito Donaire, Jr. na matatalo sa kanyang laban.

Ngunit, naiguhit ng tadhana ang isa pang dagok sa kanyang career.

“Losing never crossed my mind,” pahayag ni Donaire sa post-game interview matapos matalo via unanimous decision kay hometown hero Jessie Magdaleno.

Naitala ni Magdaleno, 24, ang dominanteng panalo para maagaw kay Donaire ang WBO super bantamweight title.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabila ng pagiging dehado, nagawang makontrol ni Magdaleno ang laban at sa kabila nang matikas na pagbalikwas ni Donaire sa bawat round ng kanilang 12-round fight, may panangga at balik na suntok ang Mexican.

Bunsod ng panalo, napanatili ni Magdaleno ang malinis na karta sa 23-0.

“I worked so hard for this,” sambit ni Magdaleno.

“I don’t have words to describe it.”

“I can’t believe I won the title and I won it against a fighter like Donaire,” sambit Magdaleno. “I don’t have the words to describe it.”

Kapwa umiskor ng 116-112 ang dalawang hurado, habang nakuha ni Magdaleno ang iskor sa ikatlong hurado, 118-110.

“I thought I got control of the second half of the fight,” pahayag ni Donaire (37-4).