Hinihintay pa ng House Committee on Ways and Means ang bersiyon ng Department of Finance (DoF) sa panukalang pagpataw ng P10 excise tax sa sugar sweetened beverages (SSB) sa layuning mapabuti ang kalusugan at lumaki ang kita ng pamahalaan.

Nagdaos ng pagdinig ang komite na pinamumunuan ni Rep. Dakila Carlo Cua (Lone District, Quirino) hinggil sa mga planong magpataw ng excise tax sa SSB.

Dito, tiniyak ni DoF Undersecretary Karl Kendrick Chua na magsusumite ang DoF ng sarili nitong panukala matapos ang pag-aaral at konsultasyon sa mga eksperto. (Bert de Guzman)

Pelikula

'And The Breadwinner Is...' kumita na ng mahigit ₱400M