Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang Ramp 1 ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), na nag-uugnay sa NAIA Terminal 3 at Andrews Avenue sa Skyway, ay bubuksan ngayong araw (Nobyembre 4).

Itinayo sa kanto ng Andrews Avenue at Sales Street sa Parañaque City, ang Ramp 1 ay magsisilbing tanging entry point ng mga sasakyan mula Andrews Avenue patungong Skyway. Inaasahang paluluwagin nito ang trapiko patungo sa NAIA Terminal 3.

Pansamantala lamang ang pagbubukas ng Ramp 1 habang hindi pa natatapos ang permanenteng koneksyon sa Skyway.

(Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter