Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald Dela Rosa ang pagsibak sa isang opisyal ng pulisya na umano’y sangkot sa pangingikil at pangongotong sa mga turista.

Hindi muna pinangalanan ang opisyal na may ranggong police inspector at miyembro ng Makati Police Office.

Nakatanggap ng kautusan mula kay Pangulong Duterte si Dela Rosa na suspendihin at isalang sa summary dismissal ang nasabing opisyal kung hindi siya boluntaryong magbibitiw sa pwesto.

Kasabay nito, pinasisibak na rin ni Duterte ang deputy for Intelligence ng Bureau of Immigration (BI), at inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang katiwaliang nagaganap gobyerno. (Fer Taboy)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists