ejay-at-jana-copy

Si Jana Roxas na produkto ng Starstruck batch 3 pala ‘yung kasama ni Ejay Falcon nang makita namin sa Robinsons Magnolia noong Oktubre 5, Miyerkules sa ganap na 9:30 ng gabi.

Sa posts ng aktor sa kanyang Instagram account, makikitang magkasama at magka-holding hands sila ni Jana na tila nasa Disneyland Hong Kong at sa isa ay may caption na, “finally (at hugis puso)”.

Mabuti naman at hindi na inililihim o itinatago ni Ejay ang kanyang girlfriend katulad ng ibang naging karelasyon niya.

Hindi namin namukhaan si Jana noon dahil pumayat at parang bumata kumpara noong nasa Starstruck pa siya.

ALAMIN: Saan nga ba nag-ugat ang 8 counts of cyber libel ni Kiko Barzaga?

At ito rin kaya ang dahilan kung bakit hindi isinama ni Ejay si Jana sa nakaraang Star Magic Ball dahil produkto ng GMA-7 ang dalaga?

Anyway, mahilig talaga si Ejay sa tisay, except Yam Concepcion na medyo morena. (REGGEE BONOAN)