KINUMPIRMA ni Michael Douglas na may cancer ang kanyang kaibigang si Val Kilmer. 

Iniulat na sinabi ni Douglas sa audience sa isang event sa London noong weekend na si Kilmer, ang kanyang co-star sa The Ghost and the Darkness noong 1996, ay “dealing with exactly what I had,” na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon niya noon ng oral cancer. 

Dagdag pa niya na “things don’t look to good” para sa 56-anyos, na nakilala nang husto sa pagganap sa Top Gun at bilang singer na si Jim Marrison sa The Doors. 

“My prayers are with him. That’s why you haven’t heard too much from Val lately,” ani Douglas, 72-anyos, sa host na si Jonathan Ross, ayon sa London-based Daily Telegraph newspaper at US entertainment industry bible na Variety.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Ilang ulit na itinanggi ni Kilmer ang bali-balita na hindi maayos ang kanyang kalusugan, na naging usap-usapan simula nang lumabas ang mga larawan niya na may tracheotomoy tube siya noong nakaraang taon. 

Hindi pa tumugon ang kinatawan ni Kilmer para magbigay ng komento. 

Gayunman, naglabas ng Facebook post si Kilmer ng tila pagtanggi sa sa pag-promote niya sa Cinema Twain, ang kanyang filmed version ng one-man play tungkol kay Mark Twain. 

“I’m having so much fun sharing the role I created for my stage play Citizen Twain,” sulat niya. 

“‘The recent news of my death has been greatly exaggerated…’ Mark Twain,” pagbibiro niya. 

“And his values and spirit live on even now! And I’m sure still standing! Yippee!”

Ibinunyag ng two-time Oscar winner na si Douglas noong 2010 na nakikipaglaban siya sa stage four throat cancer, ngunit nalagpasan din ito sa tulong ng chemotherapy at radiotheraphy. (AFP)