SYDNEY (Reuters) – Nagkasundo ang 24 na bansa at ang European Union noong Biyernes na lumikha ng world’s largest marine park sa Antarctic Ocean, sa lawak na 1.55 million square km.
Sinabi ng Commission for the Conservation of Antarctic Marine Living Resources, nagtitipon sa Hobart, Australia, na poprotektahan ang Ross Sea marine park sa commercial fishing sa loob ng 35 taon.
Itinuturing ang Ross Sea bilang isa sa world’s most ecologically important oceans.
Sasakupin ng sanctuary ang mahigit 12 porsiyento ng Southern Ocean, na tirahan ng mahigit 10,000 species kabilang na ng karamihan ng penguins, whales, seabirds, colossal squid at Antarctic tooth fish.