Sa loob mismo ng kanilang bahay tumimbuwang ang magkapatid na umano’y tulak ng ilegal na droga, matapos makipagbarilan sa isang pulis na kaapelyido ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Supt. Ali Duterte, hepe ng Northern Police District-District Special Operation Unit (NPD-DSOU), dead on the spot sina Charlie Wong, 32, at kapatid niyang si Reggie, 28, ng Barangay Concepcion ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Posible umanong nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya tumakbo ang mga suspek papasok ng kanilang bahay, pero hinabol ito ng mga pulis.

Kinuha ng magkapatid ang kanilang baril at pinaputukan ang grupo ni Col. Duterte na noo’y nasa pintuan na ng bahay ng mga suspek.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Dahil dito, pinaulanan na ng bala ng mga pulis ang bahay na nagresulta sa kanilang pagkamatay. (Orly L. Barcala)