Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila sini-single out ang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lahat ng expenditure reports na isinumite ng mga kandidato sa kanilang tanggapan ay masusi nilang sinusuri at isinasailalim sa validation process.

Ito ang idiniin ni Comelec Spokesperson James Jimenez kasunod ng mga ulat na iniimbestigahan daw ng poll body ang SOCE ng Pangulo matapos na hindi ideklara dito ang campaign contribution ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos.

“We are validating all SOCE submissions. We are not singling out the President,” sabi ni Jimenez.

Ayon pa kay Jimenez, hindi nila maaaring imbestigahan ang Pangulo kung wala naman silang natatanggap na reklamo hinggil dito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“If someone were to file a verified complaint, then possibly we can investigate. We cannot start a particular investigation bases only on the President’s statement,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Omnibus Rules on Campaign Finance ng Comelec, ang incomplete SOCE ay ikinukonsiderang ‘not filed’ o hindi naisumite, na paglabag sa batas at may katapat na P30,000 multa para sa presidential candidates at political parties. Ang non-disclosure o pagkabigong magdeklara ng donor ay itinuturing na election offense, alinsunod sa Section 106 ng Omnibus Election Code, na nagsasaad na ang mga kandidato at mga ingat-yaman ng mga political party ay kinakailangang mag-isyu ng resibo sa bawat kontribusyong natanggap para sa eleksyon. (Mary Ann Santiago)