jake-at-ina-copy-copy

IBINUNYAG sa amin ng isa sa mga artista sa seryeng Oh My Mama na napapansin nilang kakaiba ang mga ikinikilos nina Jake Vargas at Inah de Belen sa taping. Pinagdududahan nila sa set na may relasyon na ang dalawang Kapuso stars.

Kuwento ng source namin, palagi raw na inaabangan ng isa’t isa ang pagdating sa taping pero may pagkakataon ding halos magkasabay silang nagre-report.

“Sa totoo lang naman, eh, hindi naman tayo ipinanganak na tanga at dumaan din naman ako sa ganyang stage. Kaya alam kong may ‘something’ na ang dalawa,” sey ng kausap namin.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Sa mga titigan pa lang daw ng dalawa ay wala nang kuwestiyon na boyfriend na raw ni Inah ang alagang-alaga noon ng namayapang si German Moreno.

“Mula pa noong nagsisimula pa lang ang Oh My Mama at hanggang ngayon, eh, lalong super close na at sweet na sweet sila sa isa’t isa, lalo kapag magkasama sila sa taping,” sey pa ng source.

Kung sabagay, may kumakalat na ring balita na kahit walang taping ay nagkikita sina Jake at Inah, kaya nga raw ganoon na lang ang mahigpit na imbitasyon ng binata sa dalaga para manood ng concert nito. Super inspirasyon daw ng actor ang aktres, huh!

Wala namang problema sa kampo ni Jake at wala na rin namang Kuya Germs na maaaring makialam sa love affair ng actor, pero ang problema nga lang ay kung aprubado ba ito ng parents ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada.

Abangan ang mga susunod na kabanata. (JIMI ESCALA)